About Us

previous arrow
next arrow
Slider

SINO SI DON TIMOTEO PAEZ?

Si Timoteo Paez ay ipinanganak noong ika-22 ng Agosto taong 1861 sa Tundo, Maynila. Kilala siyang mahusay na manunulat sa Kastila at Tagalog at naging tagapayo tungkol sa batas. Siya ay naging kanang kamay at katulong sa pagpapalaganap ng La Liga Filipina. Tumulong din siya sa pagpapalimbag ng pahayagang La Solidaridad na itinatag nina Graciano Lopez Jaena at Marcelo H. Del Pilar. Naging katulong din siya sa pagtatag ng Katipunan na kung saan siya ang naging takbuhan ng mga Katipunero upang hingan ng payo at tulong.

Si Don Timoteo ay isa sa mga naging konsehal na Pilipino sa Maynila noong panahon ng Amerikano. Isa siya sa mga nagmungkahi sa pagdiriwang sa Araw ni Dr. Jose Rizal at pagpatayo ng bantayog nito sa Luneta. Isa siya sa nagbigay ng malaking abuloy sa proyektong ito. Isa rin siya sa mga unang Pilipinong nag-ukol ng paggunita sa Araw ni Bonifacio.

Namatay si Don Timoteo Paez noong ika-18 ng Setyembre, 1939 sa kanyang tahanan sa Tundo, Maynila.

Dalawang malalaking gusali ng paaralang bayan, isa sa Pasay at isa sa Maynila ang nagtatag sa pangalang Timoteo Paez. Mababasa rin ang kanyang pangalan sa ilang lansangan sa Maynila at mga lalawigan. Ito’y isang paraan upang dakilain at parangalan ang isang Pilipinong magandang halimbawa ng karangalan at kalinisan na dapat maging sagisag ng mga Pilipino.